i miss you so badly but I have to stay strong. .  

11 notes • reblogged from telmafii 1 month ago

7 notes • reblogged from evyterrific 2 months ago

13 notes • reblogged from jhooke 2 months ago

77 notes • reblogged from candynma 2 months ago

renzgwapa:

Our LSS <3

renzgwapa:

Our LSS <3

56,752 notes • reblogged from renzgwapa 2 months ago

9,979 notes • reblogged from mrlamp0s 2 months ago

tataynielian:

Gloc9, Makata ni Marijoe MonumentoMula sa Facebook Notes ni Marijoe Monumento
I.
Konting konteksto lang: hindi naman talaga ako nahilig sa “Pinoy rap.” Ang pagka-ignorante kong ito ay susubukan kong ugatin sa praktikal kong karanasan. Noong  bata pa ako, nagsulputang parang kabute ang mga lokal na rap acts sa radyo at telebisyon. Halos lahat sila’y may absurdo o kanluraning pangalan, o kaya’y apelyido na iisang letra lang – Lady Diane, Andrew E., Michael V., at iba pa. Habang tumatanda ako’t natututong magsuri, mas naengganyo ako sa musika na hindi masyadong pinatutugtog sa mga sikat na istasyon ng radyo, at sa kasamaang palad ay hindi rin masyadong napabilang dito ang rap o hip-hop. Kaya paumanhin sa mambabasa kung hindi ko kayang magpalawig batay sa ganitong anggulo.
Pero nagpasalamat na rin ako at nang lumaon ay napagtanto ni Michael V. na marami pa siyang ibang talento bukod sa pagra-rap. Gayundin, salamat naman sa basurang mga paksa at ideya na itinambak sa madla mula sa mga rap acts na kinontrata at pinahintulutan ng mga gahamang ehekutibo na mamayagpag sa lokal na industriya ng musika mula noon hanggang ngayon – tila naging mariin ang paniniwala ko noon na si Francis M. lamang ang tanging lokal na rap artist na maaaring seryosohin at irespeto.
II.
Pero kung respeto na rin lang ang pag-uuspan, sapul dito si Aristotle Pollisco. Pero sa kabila ng pagkakataong makapag-Google na naibigay sa akin nitong nakaraang ilang linggo, para bang wala pa rin akong nababasa tungkol sa kanya bukod sa araw-araw na pagbaha ng papuri mula sa mga tagahanga, mga press release at ilang pahapyaw na rebyu. Kaya bilang isa rin sa kanyang mga tagahanga, para bang naoobliga na akong magsulat tungkol kay Aristotle Pollisco, kahit na nga may mga limitasyon ako sa paggagap sa kultura ng rap o hip hop (at kahit na, maski isang plaka niya ay wala akong kakayanan o pagkakataong makabili). Pero teka, sino nga ulit?
Marahil, hindi pa rin alam ng ilan na pangalan din ito ng isang sikat na personalidad sa musika na tubong-Binangonan, Rizal. Sa unang dinig, sino ba itong ang pangalan ay para bang wala sa lugar na hiniram ng kanyang mga magulang mula sa isang sinaunang pilosopo? Pero nagiging eksakto si Pollisco sa payak niyang pagpapakilala sa isa pa niyang persona. Ang nilalang sa likod ng isang bahagi ng sinasabi niyang “dalawang buhay,” na hindi maikakailang kilala na ngayon ng napakaraming tao&#160;: Siya si Gloc9, isang makata na naririnig sa kahit saang lugar.
Pwedeng sa bus, sa palengke, o sa ngumangawang sound system ng kapitbahay. At dahil na nga sa sadya kong pang-iisnab sa lokal na rap, panaka-naka lang at di-sinasadya ang unang mga engkwentro ko sa mga pyesa ni Gloc -9. Halimbawa, dahil tagahanga ako ni Cooky Chua, napansin ko noon habang pinatutugtog sa kung saan-saan ang kanilang kolaborasyon sa “Bakit?” May ilang bahagi rin ng mga kanta niya ang ginamit ng grupong Sipat para sa kanilang award-winning na dokumentaryong “Mula sa Third Avenue hanggang sa Dulo” na tungkol sa pagkamulat ng ilang myembro ng mga gang ng kabataan sa Caloocan. Panalo nga. Pero dahil abala rin ako sa iba pang mga bagay at panaka-naka lang naman ang mga engkwentrong iyon, hindi agad naging sapat ang mga iyon para makumbinsi ako sa husay ni Gloc9.
Isang beses, napatambay ako sa isang maliit na pier sa probinsya dahil hindi pa puno ng pasahero ang traysikel na sasakyan ko. At sa loob ng kung ilang oras kong paghihintay, naka-fullblast sa isang sabog na ispiker ang piniratang kopya ng halu-halong mga kanta ni Gloc9. Dahil paulit-ulit kong narinig, noon ko na napansin na hindi ordinaryo ang padron ng kanyang himig at titik. Nakadagdag din sa halina ng mga pyesa ang mismong sabog na kalidad, gayundin ang tagpo kung saan ko napakinggan ang mga ito — nangibabaw ang kapangyarihan ng mga kanta na nasusundan, at sa aktwal ay sinasabayan pa nga ng ilang tagapakinig nito kahit sa isang magulo at mataong lugar. Noon din ay humingi ako ng kumpirmasyon sa mamang traysikel drayber – “Sino po ang kumanta n’yan?”
At sumagot siya na “Gloc9!” na para bang ako na lang ang hindi nakakaalam sa buong daigdig.      
III.
Sa paglaon, nakapagsiyasat din ako tungkol kay Gloc9 pero sa pamamagitan lang ng pagtatanung-tanong. Lalo na kapag naririnig kong pinatutugtog ang mga kanta niya sa mga lugar na napupuntahan ko, ginagawa namin siyang paksa ng mga taong nakakausap ko. Hinahangaan pala siya dahil tinagurian siyang “pinakamabilis” pagdating sa rap. Pero bukod dito, napansin ko rin na pinipiling talakayin ni Gloc9 ang mga tema at sitwasyon na kinakaharap ng napaka-karaniwang mga tauhan. Halimbawa na lang ang isa sa mga unang kanta ni Gloc9 na lumabas sa ere, na talaga namang pinamagatan pang “Simpleng Tao”:
Kahit na wala akong peraKahit na butas aking bulsaKahit pa maong ko’y kupas naAt kahit na marami d’yang ibaGanito man akoSimpleng tao…
Bilang sawi at torpeng taga-baryo, tulirong drayber ng pedikab, pahinanteng biglang naging big-time, estudyanteng walang magarang gamit, karaniwang empleyadong hindi maka-utang sa masungit at kuripot na amo, taong nagsasawa at halos mabaliw na sa kahirapan at problema… sino’ng simpleng tao ang hindi mapapalingon at magsasabi na, teka, tungkol yata sa akin ang sinasabi ng Gloc9 na ’to! 
Sa konteksto ng kalugmukan at kawalang-katiyakan para sa kalakhan ng mamamayan sa kontemporaryong lipunang Pilipino, ginagamit ni Gloc9 ang musika upang maging tiyak na instrumento sa isang artistikong proyekto sa paghuhubog ng kaisipan at aktitud ng kanyang mga tagapakinig. Sa kabila ng madilim na larawang madalas niyang naipipinta sa kanyang mga kanta ay hindi niya nakakaligtaang maghatid ng pag-asa. Malilimi na nagiging “madilim” ang kanyang mga paksa hindi dahil sa “uso” sa mga tulad niyang sikat ang pagiging maangas, kundi dahil na rin sa ito ang umiiral na katotohanan. Halimbawa nito ang tema sa mga kantang “Ayoko Na,” “Si Raul” at kahit ng mapaglarong “Sumayaw Ka” – ang musika’y magagamit upang panandaliang makalimutan ang problema, ngunit ang musikang ito mismo ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tagapakinig upang maging malay sa sitwasyon ng kanilang kahirapan, at upang magsimulang mangarap na humulagpos mula rito. 
Halimbawa, sa “The Bobo Song” (sinulat ni M. Peroramas) na kolaborasyon ni Gloc9 at Loonie, tumutulong si Pollisco sa pagpuna sa isang kaayusan na ngayon lang tinuligsa ng marami, magmula nang pumutok ang kontrobersyang “Willie-Janjan”:
Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tamaMaghapon ka sa TV mo na nakatungangaNakapangalumbaba simula pa nung bata‘Di naman importanteng magpakadalubhasaAng sakin lang naman ikaw ay maliwanaganWag na wag mong gagawing dahilan ang kahirapanManiwala, pero wag umasa sa himalaWala pang nananalo sa lotto na di tumatayaKaya palayain mo ang utak mong nakakulongMas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunongKung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawitIbenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit…Ayoko ng ganito nakaka-bobo!Lahat nang nakikita ko nakaka-boboKahit nakapikit ako nakaka-boboLahat nang nakikita ko kahit nakapikit akoNakaka, nakaka, nakaka-bobo 
Sa mas matamang pakikinig, kahit sa isang pyesa na para bang ginawa niya upang “sakyan” ang padron ng malalaswang naratibo na sinimulan ni Andrew E. sa “Andrew Ford Medina” at marami pang ibang sumunod – ay may binabasag din na kumbensyon si Gloc9. Sa aktwal, ang ganitong “pagsakay” (na kung huhulaan ko lang ay pwedeng naging sampol niya, o hiniling sa kanya ng mga ehekutibo o big boss sa record label), ay maituturing na isang tusong komentaryo. Mapapansin ang responsibilidad o pagiging maingat ni Gloc9 sa pagsisiwalat ng mga ideya, gayundin, ang isang pamantayang moral at ispiritwal na matatagpuan din sa iba pa niyang mga pyesa. Ayon na nga sa “B.I. (Bad Influence):”
…Kumuha ng baso kasi nauhawMedyo maalat ang nakain ko na lugawHabang sumasayaw ng malupetGumagalaw sa saliw ng awit na makuletMga labi saki’y pilit na idinidiket“Teka muna miss, we just met…”
Sandali sandali teka iha iha oh ohNapakabata mo paSandali sandali teka iha iha oh ohSabi ng mommy niyaiha huwag kang sasama sa B.I.
III.
Syempre, tuluyan kong nabura ang anupamang pagdududa sa talento ni Gloc9 nang marinig ko na sa radyo ang “Lando.” Mula sa nauna niyang reputasyon bilang “pinakamabilis na dila” sa lokal na rap ay pinatunayan niyang maiuukit niya ang kanyang pangalan nang hindi lamang dahil sa ganitong tribyal na talento. Sa kantang ito makikita na hindi tsamba o biro ang pagdedeklara ni Gloc9 na siya’y isang “makata” – mapapansin ang kanyang estilo’t pagkagamay sa panulat, sensitibidad, at lirisismo na kasabay pa ng epektibo niyang paggamit sa mabagal/wala-sa-hulog na tyempo na hindi inaasahan sa kanya ng kanyang mga tagahanga. Mananatili sa mahabang panahon ang husay ni Gloc9 sa pagsasalaysay ng trahedya ni “Lando,” na isang kolaborasyon kasama ang walang kaparis na si Francis M.
At salamat sa mga kaibigan, makalipas muli ang ilan pang panahon ay napadalhan naman ako ng kopya ng pyesang “That Money” na kolaborasyon nina Kiwi, Francis M. at Gloc 9. Dito ko nakumpirma na ang kapangyarihan ni Gloc9 sa mga salita ay may potensyal na tumungo sa napakaradikal na direksyon. Sa “That Money,” unang isiniwalat ni Gloc9 ang liriko na maririnig na ngayon sa isang bahagi ng kanyang remake/sampling sa kantang “Balita” ng folk-rock legend na Asin:
Ako ay Pilipino sa isip at sa gawaNgunit bakit mga pinuno puro lamang salitaIsang gobyerno na kayang sikmurain at matawaNa may pamilyang kumakain na kulang sa dalawang besesSa isang araw minsan wala pang pang-lugawBakit ganito kababaw isang pagkaing nilangawAng dadamputin at kakainin ng batang gutomAlam ba ng mga husgado at lahat ng hukomNa merong mas masahol pa sa hatol na kamatayanYan ay ika’y maging mahirap sa sarili mong bayan…
Marami na ang nakikinig sa “Balita,” sa “Upuan” at sa pinakabagong single na “Walang Natira,” na tungkol naman sa trahedya ng pangingibang-bayan upang magsilbi sa mga dayuhang amo.  Ang husay at talas ng mga ito ay nagsisilbi na ngayong pamantayan na para sa iba pang rap acts na nagnanais din na marinig ang kanilang mga tinig. Pero bago pa man ang mga ito ay may kolaborasyon na rin sina Francis M., Gloc9, at Stick Figgas (Loonie) na may ganitong napakatalas na komentaryo, (mula sa “Liham sa Pangulo”):
Mahal na pangulo bakit mahal ang mga bilihinDi mo na nanaisin na tumira dito sa bayan natinAng kinain ng mayaman tinatapon sa basuraPinupulot ng mahirap mapuno lang ang sikmuraBalahurang nahalal halos kaban ng bayan isinugalIsinambulat sa Senado at sa dyaryo binulgarNapahiya’t ayaw umamin na sila’y nagnakaw dinDi lang sa pagkain pati sa pera ay matakaw dinAt pagdating sa lupain sila ay mga buwakaw dinLahat ay inaangkin kahit ano ay gagawinMga sakim, ganid sa ginto di makuntento sa milyonBilyon ang gusto kahit ang bayan ay baonSa utang at sa kangkungan pupulutin
Pero dahil si Pollisco mismo ang kumakatha ng kanyang mga pyesa ay mapapansin na ang tahasang panlipunang komentaryo ay nailululan niya sa mga pyesang may masining at matulaing merito. Pansinin na lamang ang padron ng mga imahe at metapora, halimbawa sa mga awit na “Upuan” o  “Bayad Ko.” May mulat siyang pagtatangka sa sinsin at kasinupan, marahil dahil na rin sa mapangahas niyang deklarasyon na siya’y isang “makata” –  kahit pa sabihing “makatang ulam at kanin lang ang bayad” — bagay pa rin ito na agad na makapagpapataas ng kilay ng mga elitistang sumasandig din sa gayong pagtaguri sa sarili. Maaaring hindi siya nakadalo sa anumang writers workshop, ni wala siyang diploma, at nakapaglathala lamang ng liriko hindi sa mga dyornal o libro, kundi sa pamamagitan ng kanyang inilabas na mga komersyal na album.
Kaya’t kapangahasan din marahil, kung bilang isang tagasubaybay ng panitikan ay magdeklara na rin ako na si Aristotle Pollisco ang pinaka-maimpluwensyang makata sa buong Pilipinas sa kasalukuyan. Pero sino ba naman ako?  Syempre hindi rin naman natin sinasabi na isa na siyang Balagtas o Amado V. Hernandez. Pero dahil nasa kabataan pa si Pollisco, napakarami pa niyang panahon at pagkakataon upang pandayin ang sarili.  
IV.
Dahil ang mismong pagtula ay karaniwan niyang nagiging paksa. Halimbawa sa “Tula,” “Diploma,” at dito sa “Lapis at Papel,” isinisiwalat ni Pollisco ang kanyang kapangyarihan bilang panday ng mga salita:
Naaalala ko ang tunay na pangalan koBatang taga-Rizal — Aristotle PolliscoNa daig pa ang tangkeng puno ng barilKapag kanya nang nahawakan ang lapis at papel…
…ang mga katagang aking sinasabi at aking isinulatPilit kong binubuhat damdami’y maisambulat… 
Akin nang ilalabas sa kahonSandata sa mahabang panahonLapis at papel ….
Akala mo siguro ay di ko na kaya pang wasakinAng mga tula na isinulat moAng mga mata iminulat koSino ka para tapakan ang lupang aking tinapaka’t ako ang naghari?Sino ka para gayahin ang mga salitang nagmula sa ’king mga labi?Sino ka para labanan ang mga nilalang na animo’y mga buhawi?Sino ka? 
Madalas na nagiging paksa ni Pollisco ang ganitong simpleng pagmumuni, na para sa mga makata at mag-aaral ng panitikan ay tinatawag na ars poetica. Ano ang puno’t dulo ng kanyang pagtula? Lagi’t lagi niyang inaangkla ang panulat at pagtuklas sa tula batay sa kanyang personal na karanasan sa kahirapan at mga pagsubok sa buhay. Wika niya, ang mga karanasang ito ang nagsilbi niyang “matrikula” – at ang mga tulang naisusulat niya batay rito ang itinuturing niyang “diploma.” Sa ganitong proseso ng mapait na edukasyon marahil nagmumula ang kanyang kababaang-loob at responsibilidad, na paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili at sa kanyang mga tagapakinig.
Salamat na rin ay Gloc9 ay nabasag ang makitid kong pananaw tungkol sa Pinoy rap. Kahit hindi pa rin naman talaga ako pamilyar nang husto o masugid na nakakasubaybay sa mga ito, napag-alaman ko na ang rap at hip hop —  gaya na marahil ng orihinal na konteksto nito sa Kanluran — ay epektibo nang nagagamit bilang behikulo sa ekspresyon ng mulat na kabataan sa maraming komunidad sa loob at labas ng Kamaynilaan, pati na rin sa komunidad ng mga Fil-Am at iba pang migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Gayundin, ang malaswang reputasyon ng mainstream rap ay unti-unti na ring natatransporma bilang progresibo sa pamamagitan ng mga grupong pangkultura ng mga kabataan sa kanayunan.
Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa industriya ng musika, hindi pa rin natin nakikita ang isang Gloc9 na tadtad ng bling-bling o kaya’y sinasapian na ng ere, bagkus lalo lamang nagiging makabuluhan at matalas ang kanyang mga “talumpati” batay sa nagpapatuloy na hikahos na kalagayan ng karamihan. Sana’y patuloy na makapagpahusay ang makata sa katauhan ni Gloc9 nang sapol pa rin ang ganitong pangkalahatang direksyon – ang lagi’t laging pagsasaalang-alang sa madla, ang kanyang malawak na awdyens na malaon nang naghahangad ng de-kalidad at makabuluhang mga awit at tula. Epektibo niyang nilalagom ang ganitong sensibilidad at sensitibidad sa “Tinta” na may ganitong manipesto — at hamon sa kapwa artista, makata at sa iba pang nangangarap magtagumpay sa larangan ng musika:
Pwedeng AsulPwedeng ItimPwedeng PulaPwedeng IbaAng mahalaga’y kung ano ang maiintindihan nila:Sila na s’yang makikinig at kakabisado ng kantaNgayon sabihin mo sa akin,Paano mo ginamit ang tinta?
Kaya’t kahit hindi ko kayang makabili ng orihinal na kopya ng kahit na isa sa kanyang mga plaka, sa ganitong paraan ko na lamang maipapahayag ang aking pagtangkilik. Mabuhay ka, Ginoong Pollisco!

tataynielian:

Gloc9, Makata ni Marijoe Monumento
Mula sa Facebook Notes ni Marijoe Monumento

I.

Konting konteksto lang: hindi naman talaga ako nahilig sa “Pinoy rap.” Ang pagka-ignorante kong ito ay susubukan kong ugatin sa praktikal kong karanasan. Noong  bata pa ako, nagsulputang parang kabute ang mga lokal na rap acts sa radyo at telebisyon. Halos lahat sila’y may absurdo o kanluraning pangalan, o kaya’y apelyido na iisang letra lang – Lady Diane, Andrew E., Michael V., at iba pa. Habang tumatanda ako’t natututong magsuri, mas naengganyo ako sa musika na hindi masyadong pinatutugtog sa mga sikat na istasyon ng radyo, at sa kasamaang palad ay hindi rin masyadong napabilang dito ang rap o hip-hop. Kaya paumanhin sa mambabasa kung hindi ko kayang magpalawig batay sa ganitong anggulo.

Pero nagpasalamat na rin ako at nang lumaon ay napagtanto ni Michael V. na marami pa siyang ibang talento bukod sa pagra-rap. Gayundin, salamat naman sa basurang mga paksa at ideya na itinambak sa madla mula sa mga rap acts na kinontrata at pinahintulutan ng mga gahamang ehekutibo na mamayagpag sa lokal na industriya ng musika mula noon hanggang ngayon – tila naging mariin ang paniniwala ko noon na si Francis M. lamang ang tanging lokal na rap artist na maaaring seryosohin at irespeto.

II.

Pero kung respeto na rin lang ang pag-uuspan, sapul dito si Aristotle Pollisco. Pero sa kabila ng pagkakataong makapag-Google na naibigay sa akin nitong nakaraang ilang linggo, para bang wala pa rin akong nababasa tungkol sa kanya bukod sa araw-araw na pagbaha ng papuri mula sa mga tagahanga, mga press release at ilang pahapyaw na rebyu. Kaya bilang isa rin sa kanyang mga tagahanga, para bang naoobliga na akong magsulat tungkol kay Aristotle Pollisco, kahit na nga may mga limitasyon ako sa paggagap sa kultura ng rap o hip hop (at kahit na, maski isang plaka niya ay wala akong kakayanan o pagkakataong makabili). Pero teka, sino nga ulit?

Marahil, hindi pa rin alam ng ilan na pangalan din ito ng isang sikat na personalidad sa musika na tubong-Binangonan, Rizal. Sa unang dinig, sino ba itong ang pangalan ay para bang wala sa lugar na hiniram ng kanyang mga magulang mula sa isang sinaunang pilosopo? Pero nagiging eksakto si Pollisco sa payak niyang pagpapakilala sa isa pa niyang persona. Ang nilalang sa likod ng isang bahagi ng sinasabi niyang “dalawang buhay,” na hindi maikakailang kilala na ngayon ng napakaraming tao : Siya si Gloc9, isang makata na naririnig sa kahit saang lugar.

Pwedeng sa bus, sa palengke, o sa ngumangawang sound system ng kapitbahay. At dahil na nga sa sadya kong pang-iisnab sa lokal na rap, panaka-naka lang at di-sinasadya ang unang mga engkwentro ko sa mga pyesa ni Gloc -9. Halimbawa, dahil tagahanga ako ni Cooky Chua, napansin ko noon habang pinatutugtog sa kung saan-saan ang kanilang kolaborasyon sa “Bakit?” May ilang bahagi rin ng mga kanta niya ang ginamit ng grupong Sipat para sa kanilang award-winning na dokumentaryong “Mula sa Third Avenue hanggang sa Dulo” na tungkol sa pagkamulat ng ilang myembro ng mga gang ng kabataan sa Caloocan. Panalo nga. Pero dahil abala rin ako sa iba pang mga bagay at panaka-naka lang naman ang mga engkwentrong iyon, hindi agad naging sapat ang mga iyon para makumbinsi ako sa husay ni Gloc9.

Isang beses, napatambay ako sa isang maliit na pier sa probinsya dahil hindi pa puno ng pasahero ang traysikel na sasakyan ko. At sa loob ng kung ilang oras kong paghihintay, naka-fullblast sa isang sabog na ispiker ang piniratang kopya ng halu-halong mga kanta ni Gloc9. Dahil paulit-ulit kong narinig, noon ko na napansin na hindi ordinaryo ang padron ng kanyang himig at titik. Nakadagdag din sa halina ng mga pyesa ang mismong sabog na kalidad, gayundin ang tagpo kung saan ko napakinggan ang mga ito — nangibabaw ang kapangyarihan ng mga kanta na nasusundan, at sa aktwal ay sinasabayan pa nga ng ilang tagapakinig nito kahit sa isang magulo at mataong lugar. Noon din ay humingi ako ng kumpirmasyon sa mamang traysikel drayber – “Sino po ang kumanta n’yan?”

At sumagot siya na “Gloc9!” na para bang ako na lang ang hindi nakakaalam sa buong daigdig.      

III.

Sa paglaon, nakapagsiyasat din ako tungkol kay Gloc9 pero sa pamamagitan lang ng pagtatanung-tanong. Lalo na kapag naririnig kong pinatutugtog ang mga kanta niya sa mga lugar na napupuntahan ko, ginagawa namin siyang paksa ng mga taong nakakausap ko. Hinahangaan pala siya dahil tinagurian siyang “pinakamabilis” pagdating sa rap. Pero bukod dito, napansin ko rin na pinipiling talakayin ni Gloc9 ang mga tema at sitwasyon na kinakaharap ng napaka-karaniwang mga tauhan. Halimbawa na lang ang isa sa mga unang kanta ni Gloc9 na lumabas sa ere, na talaga namang pinamagatan pang “Simpleng Tao”:

Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko’y kupas na
At kahit na marami d’yang iba
Ganito man ako
Simpleng tao…

Bilang sawi at torpeng taga-baryo, tulirong drayber ng pedikab, pahinanteng biglang naging big-time, estudyanteng walang magarang gamit, karaniwang empleyadong hindi maka-utang sa masungit at kuripot na amo, taong nagsasawa at halos mabaliw na sa kahirapan at problema… sino’ng simpleng tao ang hindi mapapalingon at magsasabi na, teka, tungkol yata sa akin ang sinasabi ng Gloc9 na ’to!

Sa konteksto ng kalugmukan at kawalang-katiyakan para sa kalakhan ng mamamayan sa kontemporaryong lipunang Pilipino, ginagamit ni Gloc9 ang musika upang maging tiyak na instrumento sa isang artistikong proyekto sa paghuhubog ng kaisipan at aktitud ng kanyang mga tagapakinig. Sa kabila ng madilim na larawang madalas niyang naipipinta sa kanyang mga kanta ay hindi niya nakakaligtaang maghatid ng pag-asa. Malilimi na nagiging “madilim” ang kanyang mga paksa hindi dahil sa “uso” sa mga tulad niyang sikat ang pagiging maangas, kundi dahil na rin sa ito ang umiiral na katotohanan. Halimbawa nito ang tema sa mga kantang “Ayoko Na,” “Si Raul” at kahit ng mapaglarong “Sumayaw Ka” – ang musika’y magagamit upang panandaliang makalimutan ang problema, ngunit ang musikang ito mismo ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tagapakinig upang maging malay sa sitwasyon ng kanilang kahirapan, at upang magsimulang mangarap na humulagpos mula rito. 

Halimbawa, sa “The Bobo Song” (sinulat ni M. Peroramas) na kolaborasyon ni Gloc9 at Loonie, tumutulong si Pollisco sa pagpuna sa isang kaayusan na ngayon lang tinuligsa ng marami, magmula nang pumutok ang kontrobersyang “Willie-Janjan”:

Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama
Maghapon ka sa TV mo na nakatunganga

Nakapangalumbaba simula pa nung bata

‘Di naman importanteng magpakadalubhasa

Ang sakin lang naman ikaw ay maliwanagan

Wag na wag mong gagawing dahilan ang kahirapan

Maniwala, pero wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong
Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit

Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit…
Ayoko ng ganito nakaka-bobo!
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

Sa mas matamang pakikinig, kahit sa isang pyesa na para bang ginawa niya upang “sakyan” ang padron ng malalaswang naratibo na sinimulan ni Andrew E. sa “Andrew Ford Medina” at marami pang ibang sumunod – ay may binabasag din na kumbensyon si Gloc9. Sa aktwal, ang ganitong “pagsakay” (na kung huhulaan ko lang ay pwedeng naging sampol niya, o hiniling sa kanya ng mga ehekutibo o big boss sa record label), ay maituturing na isang tusong komentaryo. Mapapansin ang responsibilidad o pagiging maingat ni Gloc9 sa pagsisiwalat ng mga ideya, gayundin, ang isang pamantayang moral at ispiritwal na matatagpuan din sa iba pa niyang mga pyesa. Ayon na nga sa “B.I. (Bad Influence):”

…Kumuha ng baso kasi nauhaw
Medyo maalat ang nakain ko na lugaw
Habang sumasayaw ng malupet
Gumagalaw sa saliw ng awit na makulet
Mga labi saki’y pilit na idinidiket
“Teka muna miss, we just met…”

Sandali sandali teka iha iha oh oh
Napakabata mo pa
Sandali sandali teka iha iha oh oh
Sabi ng mommy niya
iha huwag kang sasama sa B.I.

III.

Syempre, tuluyan kong nabura ang anupamang pagdududa sa talento ni Gloc9 nang marinig ko na sa radyo ang “Lando.” Mula sa nauna niyang reputasyon bilang “pinakamabilis na dila” sa lokal na rap ay pinatunayan niyang maiuukit niya ang kanyang pangalan nang hindi lamang dahil sa ganitong tribyal na talento. Sa kantang ito makikita na hindi tsamba o biro ang pagdedeklara ni Gloc9 na siya’y isang “makata” – mapapansin ang kanyang estilo’t pagkagamay sa panulat, sensitibidad, at lirisismo na kasabay pa ng epektibo niyang paggamit sa mabagal/wala-sa-hulog na tyempo na hindi inaasahan sa kanya ng kanyang mga tagahanga. Mananatili sa mahabang panahon ang husay ni Gloc9 sa pagsasalaysay ng trahedya ni “Lando,” na isang kolaborasyon kasama ang walang kaparis na si Francis M.

At salamat sa mga kaibigan, makalipas muli ang ilan pang panahon ay napadalhan naman ako ng kopya ng pyesang “That Money” na kolaborasyon nina Kiwi, Francis M. at Gloc 9. Dito ko nakumpirma na ang kapangyarihan ni Gloc9 sa mga salita ay may potensyal na tumungo sa napakaradikal na direksyon. Sa “That Money,” unang isiniwalat ni Gloc9 ang liriko na maririnig na ngayon sa isang bahagi ng kanyang remake/sampling sa kantang “Balita” ng folk-rock legend na Asin:

Ako ay Pilipino sa isip at sa gawa
Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
Isang gobyerno na kayang sikmurain at matawa
Na may pamilyang kumakain na kulang sa dalawang beses
Sa isang araw minsan wala pang pang-lugaw
Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw
Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom
Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan
Yan ay ika’y maging mahirap sa sarili mong bayan…

Marami na ang nakikinig sa “Balita,” sa “Upuan” at sa pinakabagong single na “Walang Natira,” na tungkol naman sa trahedya ng pangingibang-bayan upang magsilbi sa mga dayuhang amo.  Ang husay at talas ng mga ito ay nagsisilbi na ngayong pamantayan na para sa iba pang rap acts na nagnanais din na marinig ang kanilang mga tinig. Pero bago pa man ang mga ito ay may kolaborasyon na rin sina Francis M., Gloc9, at Stick Figgas (Loonie) na may ganitong napakatalas na komentaryo, (mula sa “Liham sa Pangulo”):

Mahal na pangulo bakit mahal ang mga bilihin
Di mo na nanaisin na tumira dito sa bayan natin
Ang kinain ng mayaman tinatapon sa basura
Pinupulot ng mahirap mapuno lang ang sikmura
Balahurang nahalal halos kaban ng bayan isinugal
Isinambulat sa Senado at sa dyaryo binulgar
Napahiya’t ayaw umamin na sila’y nagnakaw din
Di lang sa pagkain pati sa pera ay matakaw din
At pagdating sa lupain sila ay mga buwakaw din
Lahat ay inaangkin kahit ano ay gagawin
Mga sakim, ganid sa ginto di makuntento sa milyon
Bilyon ang gusto kahit ang bayan ay baon
Sa utang at sa kangkungan pupulutin

Pero dahil si Pollisco mismo ang kumakatha ng kanyang mga pyesa ay mapapansin na ang tahasang panlipunang komentaryo ay nailululan niya sa mga pyesang may masining at matulaing merito. Pansinin na lamang ang padron ng mga imahe at metapora, halimbawa sa mga awit na “Upuan” o  “Bayad Ko.” May mulat siyang pagtatangka sa sinsin at kasinupan, marahil dahil na rin sa mapangahas niyang deklarasyon na siya’y isang “makata” –  kahit pa sabihing “makatang ulam at kanin lang ang bayad” — bagay pa rin ito na agad na makapagpapataas ng kilay ng mga elitistang sumasandig din sa gayong pagtaguri sa sarili. Maaaring hindi siya nakadalo sa anumang writers workshop, ni wala siyang diploma, at nakapaglathala lamang ng liriko hindi sa mga dyornal o libro, kundi sa pamamagitan ng kanyang inilabas na mga komersyal na album.

Kaya’t kapangahasan din marahil, kung bilang isang tagasubaybay ng panitikan ay magdeklara na rin ako na si Aristotle Pollisco ang pinaka-maimpluwensyang makata sa buong Pilipinas sa kasalukuyan. Pero sino ba naman ako?  Syempre hindi rin naman natin sinasabi na isa na siyang Balagtas o Amado V. Hernandez. Pero dahil nasa kabataan pa si Pollisco, napakarami pa niyang panahon at pagkakataon upang pandayin ang sarili.  

IV.

Dahil ang mismong pagtula ay karaniwan niyang nagiging paksa. Halimbawa sa “Tula,” “Diploma,” at dito sa “Lapis at Papel,” isinisiwalat ni Pollisco ang kanyang kapangyarihan bilang panday ng mga salita:

Naaalala ko ang tunay na pangalan ko
Batang taga-Rizal — Aristotle Pollisco
Na daig pa ang tangkeng puno ng baril
Kapag kanya nang nahawakan ang lapis at papel…

…ang mga katagang aking sinasabi at aking isinulat
Pilit kong binubuhat damdami’y maisambulat…

Akin nang ilalabas sa kahon
Sandata sa mahabang panahon
Lapis at papel ….

Akala mo siguro ay di ko na kaya pang wasakin
Ang mga tula na isinulat mo
Ang mga mata iminulat ko
Sino ka para tapakan ang lupang aking tinapaka’t ako ang naghari?
Sino ka para gayahin ang mga salitang nagmula sa ’king mga labi?
Sino ka para labanan ang mga nilalang na animo’y mga buhawi?
Sino ka?

Madalas na nagiging paksa ni Pollisco ang ganitong simpleng pagmumuni, na para sa mga makata at mag-aaral ng panitikan ay tinatawag na ars poetica. Ano ang puno’t dulo ng kanyang pagtula? Lagi’t lagi niyang inaangkla ang panulat at pagtuklas sa tula batay sa kanyang personal na karanasan sa kahirapan at mga pagsubok sa buhay. Wika niya, ang mga karanasang ito ang nagsilbi niyang “matrikula” – at ang mga tulang naisusulat niya batay rito ang itinuturing niyang “diploma.” Sa ganitong proseso ng mapait na edukasyon marahil nagmumula ang kanyang kababaang-loob at responsibilidad, na paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili at sa kanyang mga tagapakinig.

Salamat na rin ay Gloc9 ay nabasag ang makitid kong pananaw tungkol sa Pinoy rap. Kahit hindi pa rin naman talaga ako pamilyar nang husto o masugid na nakakasubaybay sa mga ito, napag-alaman ko na ang rap at hip hop —  gaya na marahil ng orihinal na konteksto nito sa Kanluran — ay epektibo nang nagagamit bilang behikulo sa ekspresyon ng mulat na kabataan sa maraming komunidad sa loob at labas ng Kamaynilaan, pati na rin sa komunidad ng mga Fil-Am at iba pang migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Gayundin, ang malaswang reputasyon ng mainstream rap ay unti-unti na ring natatransporma bilang progresibo sa pamamagitan ng mga grupong pangkultura ng mga kabataan sa kanayunan.

Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa industriya ng musika, hindi pa rin natin nakikita ang isang Gloc9 na tadtad ng bling-bling o kaya’y sinasapian na ng ere, bagkus lalo lamang nagiging makabuluhan at matalas ang kanyang mga “talumpati” batay sa nagpapatuloy na hikahos na kalagayan ng karamihan. Sana’y patuloy na makapagpahusay ang makata sa katauhan ni Gloc9 nang sapol pa rin ang ganitong pangkalahatang direksyon – ang lagi’t laging pagsasaalang-alang sa madla, ang kanyang malawak na awdyens na malaon nang naghahangad ng de-kalidad at makabuluhang mga awit at tula. Epektibo niyang nilalagom ang ganitong sensibilidad at sensitibidad sa “Tinta” na may ganitong manipesto — at hamon sa kapwa artista, makata at sa iba pang nangangarap magtagumpay sa larangan ng musika:

Pwedeng Asul
Pwedeng Itim

Pwedeng Pula
Pwedeng Iba
Ang mahalaga’y kung ano ang maiintindihan nila:
Sila na s’yang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin,
Paano mo ginamit ang tinta?

Kaya’t kahit hindi ko kayang makabili ng orihinal na kopya ng kahit na isa sa kanyang mga plaka, sa ganitong paraan ko na lamang maipapahayag ang aking pagtangkilik. Mabuhay ka, Ginoong Pollisco!

3 notes • reblogged from tataynielian 2 months ago

iliketoeatfruitallday:

If only I was P3RF3€T in your eyes…

iliketoeatfruitallday:

If only I was P3RF3€T in your eyes…

23 notes • reblogged from iliketoeatfruitallday 2 months ago

6 notes • reblogged from mrlamp0s 3 months ago

(Source: hanxiaotian)

19,785 notes • reblogged from mrlamp0s 3 months ago

oddsandevens:

:)

36,889 notes • reblogged from hey-pea-brain 3 months ago

1,307 notes • reblogged from hey-pea-brain 3 months ago

seunew27:

she’s taken!

seunew27:

she’s taken!

11 notes • reblogged from seunew27-deactivated20120318 4 months ago

156 notes • reblogged from getyourhandsoffmystar 5 months ago

septembereleventh:

#tolberone #chocolate #food #sin oh tolberone I love you.  (Taken with Instagram at DMSM Media Hub (A.312) NYP)

12 notes • reblogged from septembereleventh 5 months ago